Tagalog
Ang bersyon na Tagalog ng website ng Tanggapan ng mga Tahanan at Kabataan (HYAB) ay naglalaman lamang ng napiling kapaki-pakinabang na impormasyon. Maaari mong ma-akses ang buong nilalaman ng aming website sa 這連結會以新視窗打開。Ingles, 這連結會以新視窗打開。Tradisyonal na Tsino, o 這連結會以新視窗打開。Pinasimpleng Tsino.
Pambungad na Mensahe
Maligayang pagdating sa Homepage ng Tanggapan ng mga Tahanan at Kabataan.
Ang Tanggapan ng mga Tahanan at Kabataan ay sumasaklaw sa malawak na ispektrum ng mga patakaran kabilang ang edukasyong sibiko, pag-unlad ng kabataan, mga usapin ng kababaihan at pamilya, pagbuo ng komunidad, at mga ugnayan sa distrito at komunidad. Ang aming tanggapan ay pangunahing nakatuon sa mga lokal na usapin at nagpapatupad ng mga patakarang pakikinabangan ng mga mamamayan ng Hong Kong.
Kabilang sa iba pa, ang mga sumusunod na paksang isyu ay susi sa gawain ng HYAB. Mangyaring i-klik ang"+"para sa mga detalye.
Ang aming mga layunin sa patakaran sa pag-unlad ng kabataan ay -
Pagyamanin ang isang bagong henerasyon ng mga kabataan sa Hong Kong na may pagmamahal sa bansa at sa Hong Kong, may pandaigdigang pananaw, propesyonal na kasanayan, kaisipan ng panghabang-buhay na pag-aaral, at positibong pag-iisip;
Lumikha ng mga pagkakataon para sa pag-angat ng kabataan at itaas ang kanilang kabuuang kasanayan at pagiging kompetitibo sa pamamagitan ng pagbibigay ng mas malawak na hanay ng mga pagkakataon at suporta sa pag-unlad;
Magtatag ng mas epektibong mga tsanel para pakinggan ang mga kabataan mula sa iba't ibang pinagmulan at magbigay ng plataporma para sa kanilang pakikilahok sa pampublikong usapin.
Upang maisulong nang mas epektibo ang gawain sa pag-unlad ng kabataan, itinatag ng Pamahalaan ang Komisyon sa Pag-unlad ng Kabataan noong 2018. Pinamumunuan ito ng Punong Kalihim para sa Administrasyon at responsable ito sa pagpapahusay ng koordinasyon ng mga patakaran sa loob ng Pamahalaan at sa pagbibigay-daan para sa mas holistikong pagsusuri at talakayan sa mga isyu ng kabataan. Ang Tanggapan ng mga Tahanan at Kabataan ay nagbibigay ng suporta sa gawain ng komisyon, at pinangungunahan ang iba't ibang mga hakbang sa pag-unlad ng kabataan Sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa mga kaugnay na tanggapan/kagawaran, mga unipormadong pangkat at iba pang mga organisasyon ng mga kabataan.
Noong Disyembre 2022, inilabas ng Tanggapan ng mga Tahanan at Kabataan ang Blueprint sa Pag-unlad ng Kabataan na naglalaman ng pangkalahatang bisyon at mga prinsipyo para sa pangmatagalang hakbang ng Pamahalaan sa pag-unlad ng kabataan sa hinaharap. Sa paunang yugto na ito, mahigit 160 konkretong aksyon at hakbang para sa pag-unlad ng kabataan ang isinusulong. Ang Tanggapan ng mga Tahanan at Kabataan ang mangunguna sa koordinasyon ng mga kaugnay na patakaran at hakbangin para sa pagpapatupad ng Blueprint
Ang Iskema ng Pagpopondo para sa mga Aktibidad sa Pagpaplano ng Buhay ng mga Kabataan ay itinatag upang suportahan ang mga organisasyong hindi mula sa pamahalaan (NGOs) sa pakikipagtulungan sa mga sekundaryang paaralan sa pag-organisa ng iba't ibang proyekto sa pagpaplano ng buhay tulad ng mga tematikong talakayan, mga workshop, pagbisita sa mga lugar ng trabaho, atbp. Ang mga proyektong ito ay hindi lamang tugma sa pangangailangan ng mga mag-aaral kundi pati na rin sa pagsasanay para sa mga guro at magulang upang pagyamanin ang kanilang kaalaman sa pagpaplano at iba't ibang landas sa buhay.
Ang Iskema ng Pagpopondo para sa mga Aktibidad sa Positibong Pag-iisip ng mga Kabataan ay naglalayong itaguyod ang kamalayan sa pisikal at mental na kalusugan ng mga kabataan, pagyamanin ang positibong pag-iisip sa kanila, at itaguyod ang kanilang positibong pagpapahalaga; at matulungan sila na maging isang bagong henerasyon na may responsibilidad at aspirasyon at kagustuhang mag-ambag sa pag-unlad ng ating bansa at ng Hong Kong. Dahil ang positibong pag-iisip ay sumasaklaw sa maraming aspeto, kinakailangan ng mga pinondohang proyekto na magkaroon ng malinaw na layunin at direksyon, tulad ng pagpapahusay ng mga positibong pagpapahalaga, pakiramdam ng pagkakakilanlan ng mga kabataan sa ating bansa at lipunan, at ang pagpapalakas ng batas at kaayusan, atbp.
Ang Iskema ng Pagpopondo para sa mga Aktibidad Aktibidad ng Pagsasanay sa Pakikipagsapalaran ng Kabataan ay naglalayong magbigay ng pondo sa mga karapat-dapat na NGOs upang mag-organisa ng mga aktibidad sa pagsasanay sa pakikipagsapalaran para sa mga kabataan sa isang istrukturadong paraan. Ang mga kalahok ay, sa pamamagitan ng paglahok sa pagsasanay sa pakikipagsapalaran at serye ng mga aktibidad sa karanasan, sa ilalim ng progresibong patnubay at pakikilahok ng mga guro, ay makakaranas ng iba't ibang mga kahirapan at hamon at mararamdaman ang katuparan na dulot ng paglutas ng mga suliranin at pagharap sa mga hamon habang nakakaranas ng isang bagay na higit sa pang-araw-araw na buhay. Ito ay upang mapabuti ang pisikal at mental na kalusugan ng mga kabataan, pagyamanin ang positibong pag-iisip at katatagan, palakasin ang disiplina at pakikipagkaibigan; at bigyang-diin ang kahalagahan ng paglinang ng positibong pagpapahalaga at pag-iisip ng mga kabataan sa kanilang paglaki at pag-unlad upang sila ay maging isang bagong henerasyon na may pagmamay-ari at responsibilidad at may aspirasyon at kagustuhang mag-ambag sa pag-unlad ng bansa at ng Hong Kong.
Ang Iskema ng Pagsusumite ng Sariling Rekomendasyon ng Miyembro para sa mga Kabataan ("MSSY") ay isa sa mga pangunahing inisyatiba ng pag-unlad ng kabataan na nakasaad sa Pagpapahayag ng Polisiya noong 2022 ng Punong Ehekutibo at sa Blueprint sa Pagpapaunlad ng Kabataan. Upang hikayatin ang mas maraming kabataan na makilahok sa pampublikong usapin at palakasin ang kanilang pakikipag-ugnayan at tiwala sa Pamahalaan, isinusulong ang pagpapalawak ng MSSY na may layuning pataasin ang bilang ng mga komiteng tagapayo na lumalahok mula sa humigit-kumulang 60 noong 2022 sa hindi bababa sa 180 sa loob ng kasalukuyang termino ng Pamahalaan. Ang mga kabataang may edad 18 hanggang 35 na may komitment sa paglilingkod sa komunidad ay inaanyayahang irekomenda ang sarili upang maging miyembro ng mga tinukoy na komiteng tagapayo ng pamahalaan.
Sa proseso ng pagtatasa, isasaalang-alang kung ang mga aplikante ay may matibay na komitment sa paglilingkod sa komunidad, magandang pagkaunawa sa kaugnay na patakaran, at mahusay na kasanayan sa pagsusuri at komunikasyon.
Para sa mga detalye, mangyaring mag-klik dito*.
Iskema ng Pabahay para sa Kabataan
Upang matugunan ang mga hangarin ng ilang mga nagtatrabahong kabataan na magkaroon ng sariling tahanan at upang mapakinabangan ang potensyal ng mga lugar ng pag-unlad, inihayag ng Pamahalaan ang pagpapakilala ng Iskema ng Pabahay para sa Kabataan (YHS) sa Pagpapahayag ng Polisiya noong 2011-12. Sa ilalim ng YHS, ang mga organisasyong hindi mula sa pamahalaan (NGOs) ay popondohan ng buo ng Pamahalaan upang magtayo ng mga pabahay sa kabataan sa mga hindi nagagamit na lugar at sa pagkumpleto, patatakbuhin ang mga pabahay sa kabataan sa isang pamamagitan ng self-financing.
Upang mahikayata ang mga kabataan na makapag-ipon para sa kanilang mga hangarin sa personal na pag-unlad, ang mga NGOs ay kinakailangang itakda ang upa sa isang antas na hindi lalampas sa 60% ng merkado ng upa ng mga katulad na laki na mga yunit sa mga kalapit na lugar. Ang unang pag-upa ay dapat na hindi bababa sa dalawang taon na maaaring i-renew para sa isang kabuuang hindi lalampas sa limang taon. Ang mga naghahanap-buhay na kabataan na mga permanenteng residente ng Hong Kong na may edad 18 hanggang 30 ay karapat-dapat mag-aplay bilang mga nangungupahan at sila ay sasailalim sa mga pagsusuri ng kita at ari-arian sa oras ng aplikasyon. Hindi sila dapat magkaroon ng anumang mga pag-aaring residensyal sa Hong Kong.
Iskema ng Pabahay para sa Kabataan – Iskema ng Pagbibigay ng Subsidiya sa Paggamit ng mga Hotel at Guesthouse bilang Pabahay para s Kabataan
Upang higit pang matugunan ang pangangailangan sa pabahay ng mga kabataan, inihayag ng Pamahalaan sa Pagpapahayag ng Polisiya noong 2022 at sa Blueprint sa Pagpapaunlad ng Kabataan ang inisyatiba na palawakin ang Iskema sa Subsidiya sa Pabahay para sa kabataan sa pamamagitan ng pagbibigay subsidiya sa mga NGOs upang umupa ng mga angkop na hotel at guesthouse para magamit bilang mga pabahay sa mga kabataan.
Para sa karagdagang detalye, mangyaring sumangguni sa aming website*.
Ang pangunahing layunin ng Lugar Ng Kabataan (Sentro ng Pagpapaunlad ng Kabataan sa Hong Kong) ay magsilbing sentro para sa mga aktibidad ng pag-unlad ng kabataan sa buong Hong Kong. Nagbibigay ito ng mga pasilidad at lugar para sa pagtataguyod ng pag-unlad at pagsasanay ng kabataan.
Ang Tanggapan ng mga Tahanan at Kabataan ay nagbibigay ng regular na subsidiya sa sumusunod na labing-isang mga samahan ng kabataan at dalawang NGOs para sa pagbibigay ng hindi pormal na edukasyon at mga programa sa pagsasanay para sa mga kabataan -
這連結會以新視窗打開。Asosasyong Scout ng Hong Kong
這連結會以新視窗打開。Ang Samahan ng Mga Girl Guide sa Hong Kong
這連結會以新視窗打開。Cadet Corps Pandagat ng Hong Kong
這連結會以新視窗打開。Adventure Corps ng Hong Kong
這連結會以新視窗打開。Red Cross ng Kabataan sa Hong Kong
這連結會以新視窗打開。Brigada ng Ambulansya ng Kabataan ng St. John sa Hong Kong
這連結會以新視窗打開。Ang Brigada Ng Mga Batang Lalaki ng Hong Kong
這連結會以新視窗打開。Ang Brigada Ng Mga Batang Babae ng Hong Kong
這連結會以新視窗打開。Patrol Ng Kaligtasan Sa Daan Sa Hong Kong
這連結會以新視窗打開。Asosasyon ng mga Guwardiya ng Bandila ng Hong Kong
這連結會以新視窗打開。Asosasyon Ng Mga Kadete Ng Hukbong Katihan Ng Hong Kong
這連結會以新視窗打開。Ang Parangal ng Hong Kong sa Mga Kabataan
這連結會以新視窗打開。Ahensiya Para sa Boluntaryong Serbisyo
Ang mga nilalaman ng mga website sa itaas ay available lamang sa Ingles, Tradisyonal na Tsino at/o Pinasimpleng Tsino.
Ang aming layunin ay igawad ang Iskolarship sa Maraming Aspeto ng Kahusayan (MES) upang suportahan ang mga unibersidad at mga institusyong tersiyaryo sa pagtanggap ng humigit-kumulang 40 lokal na undergraduate na mag-aaral bawat pangkat na nagtatangi sa isports, sining, at/o community serbisyo sa komunidad. Ang mga punong-guro ng sekondaryang paaralan ay inaanyayahang mag-nomina ng hanggang dalawang mag-aaral sa ilalim ng Hong Kong Diploma ng Sekundaryang Edukasyon ng kanilang paaralan para sa MES. Para sa higit pang mga detalye, mangyaring sumangguni sa tala ng impormasyon sa aming 這連結會以新視窗打開。website*.
Pangkalahatang-ideya
Ang Youth Network, na kilala bilang Ugnayan sa Kabataan ay isa sa mga pangunahing inisyatibo ng Blueprint ng Pagpapaunlad ng Kabataan. Nakakatulong ito na pagsamahin ang isang pangkat ng puno ng enerhiya, iba't-iba at kumpetitibong mga kabataan na nakatuon sa aktibong pakikipag-ugnayan sa pagbuo ng komunidad. Nag-aalok ang Ugnayan sa Kabataan sa mga miyembro nito ng isang malawak na hanay ng mga aktibidad at kaganapan upang hubugin ng kanilang iba't ibang mga talento at mag-ambag sa komunidad.
Ang mga miyembro ng Ugnayan sa Kabataan ay magkakaroon ng pagkakataon na makilahok sa mga sumusunod:
- Mga programa sa pagpapaunlad ng talento, mga espesyal na pagbisita, at mga programa ng palitan sa labas ng Hong Kong;
- Malakihang mga kaganapan ng pamahalaan, mga serbisyo sa komunidad at boluntaryong gawain; at
- Plataporma para sa mga talakayan sa patakaran at pagbabahagi ng mga pananaw sa iba't ibang mga paksa, at higit pa.
Kapag nakarehistro na, ang mga miyembro ng Ugnayan sa Kabataan ay makakatanggap ng regular na mga update sa mga aktibidad sa itaas, at maaaring mag-sign up para sa mga aktibidad batay sa kanilang mga indibidwal na pangangailangan sa pag-unlad at interes.
Paano maging isang miyembro?
Ang Ugnayan sa Kabataan ay partikular na idinisenyo para sa mga kabataan na may edad sa pagitan ng 12 at 39. Ang mga kalahok ng iba't ibang mga programa/aktibidad sa pag-unlad ng kabataan na inorganisa o pinondohan ng pamahalaan ay malugod na magparehistro bilang mga miyembro.
Upang maging isang miyembro ng Ugnayan sa Kabataan, mangyaring makipag-ugnay sa Secretariat ng Ugnayan sa Kabataan sa pamamagitan ng email (youthnetwork@hyab.gov.hk).
Pagtatanong
youthnetwork@hyab.gov.hk
Ang Komite sa Promosyon ng Edukasyong Sibiko (CPCE) ay nakatuon sa pagtataguyod ng edukasyong sibiko sa labas ng mga paaralan sa pamamagitan ng pag-aalok at pag-oorganisa ng iba't ibang uri ng mga aktibidad at promosyonal na gawain upang matulungan ang publiko na magkaroon ng positibong pagpapahalaga, sibikong responsibilidad, kamalayang sibiko, at pagpapalaganap ng pakiramdam ng pagiging bahagi ng komunidad.
Ang CPCE ay nagpapatakbo ng isang funding scheme upang hikayatin ang mga karapat-dapat na organisasyon na mag-organisa ng mga aktibidad na may lalim, pagkamalikhain, at bisa ayon sa mga promosyonal na highlight na itinakda taun-taon ng CPCE upang itaguyod ang edukasyong sibiko at pambansa sa labas ng mga paaralan. Para sa karagdagang detalye, mangyaring sumangguni sa aming 這連結會以新視窗打開。website*.
Ang Pamahalaan ay nakatuon sa pagpapahusay ng bisa ng sistema ng pagkolekta ng mga pagbabayad ng suporta at pagpapatupad ng mga utos ng suporta. Sa mga nakaraang taon, isang serye ng mga hakbang sa pagpapabuti ang ipinatupad upang mapadali ang pagbawi ng mga pagbabayad ng suporta ng mga diborsiyado. Bukod dito, nagsagawa kami ng mga programa sa publikasyon at edukasyon upang mapalakas ang pagkaunawa ng publiko sa mga responsibilidad ng mga nagbibigay ng suporta, mga karapatan ng mga tumatanggap ng suporta, at mga serbisyong magagamit ng mga tumatanggap ng suporta kapag sila ay nabigo na makatanggap ng mga pagbabayad ng suporta.
Patuloy na tutulong ang Pamahalaan sa mga nangangailangan upang mabawi ang mga pagbabayad ng suporta sa pamamagitan ng patuloy na pagsusuri sa sistema. Sa ganitong kadahilanan, inilunsad namin ang Pilot Scheme sa Pamamagitan sa Pagbabayad Suporta noong 2024 sa pamamagitan ng Pondo sa Pangangalaga ng Komunidad upang tulungan ang mga partido na may kinalaman na lutasin ang mga usapin sa pamamagitan ng pamamagitan.
Sa pagpapanatili ng isang sistema ng mga Mga Katawang Tagapayo at ng Batas, ang layunin ng patakaran ng Pamahalaan ay makakuha ng pinakamahusay na posibleng payo kung saan ibabase ang mga desisyon o gampanan ang mga tungkulin ng batas sa pamamagitan ng pakikipagkonsulta sa mga interesadong grupo at indibidwal sa komunidad. Sa pamamagitan ng mga katawang ito, isang malawak na seksyon ng komunidad at mga kaugnay na organisasyon ang maaaring makilahok sa paunang yugto ng paggawa ng patakaran at pagpaplano ng pampublikong serbisyo.
Ang Pamahalaan ay naglalaan ng malaking pagpapahalaga sa kontribusyon ng mga kababaihan sa lipunan at walang humpay sa pagpapalakas ng pag-unlad ng mga kababaihan. Sa ganitong koneksyon, nakikipagtulungan kami sa Komisyon ng Kababaihan (WoC) at iba pang sektor sa komunidad upang aktibong mapadali ang pagkakaroon ng nararapat na katayuan, karapatan, at oportunidad ng mga kababaihan sa lahat ng aspeto ng buhay sa pamamagitan ng tatlong-puntong estratehiya: pagbibigay ng isang kapaligirang may pagkakataon, pagpapalakas ng mga kababaihan, at pampublikong edukasyon, pati na rin sa pagpapatupad ng iba't ibang mga hakbang.
*Ang mga nilalaman ay availabe lamang sa Ingles, Tradisyonal na Tsino at Pinasimpleng Tsino.